News

Apat na suspek sa pagpatay sa QC barangay chair arestado

Ni Santiago Celario

NCRPO Chief Guillermo Eleazar, QCPD Chief Joselito Esquivel and Quezon City acting mayor Joy Belmonte present the 4 primary suspects in the killing of Bagong Silangan, QC Chairwoman and Congressional candidate Crisell Beltran yesterday at Camp Karingal in Quezon City. (PHOTO/ ALVIN KASIBAN)

NADAKIP ng pulisya ang apat na hinihinalang suspek sa pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Crisell Beltran.

Iniharap sa media nitong araw ng Linggo nina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, Quezon City Acting Mayor Joy Belmonte at QC Police District (QCPD) Director Joselito Esquivel Jr. ang mga nadakip na suspek na sina Teofilo Formanes, 48, market inspector sa Commonwealth Market, ang magkakapatid na sina Ruel, Orlando at Joppy Juab.

Ayon kay Esquivel, unang naaresto si Formanes sa isinagawang follow up operation ng mga operatiba ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit nitong Biyernes sa likod ng Commonwealth Market matapos itong ituro ng mga saksi sa krimen na siyang bumaril sa kapitana at driver nito.

Idinagdag pa ni Esquivel na makaraang mahuli si Formanes ay agad nitong ininguso ang mga magkakapatid na Juab na naaresto sa no. 38 Steve St., Barangay Commonwealth. Nakuha mula sa mga Juab ang sari-saring kalibre ng baril tulad ng .9mm pistol na may 12 bala, .38 caliber revolver na may limang bala, hand grenade, magnum caliber .22 revolver at apat na cellphones.

Ayon naman sa opisyal na ulat ng pulisya, nagkaroon ng lead ang mga awtoridad mula sa nakuhang CCTV footage sa pinangyarihan ng krimen. Ayon sa footage nakasuot ng asul na helmet ang isa sa mga suspek (Teofilo) na siyang naging daan sa pagkakahuli nito. Kingmaker rin ng mga witness na ang nasabing helmet nga ang suot ng suspek.

Samantala, dinakip naman sa kasong obstruction of justice sina Miguel Juab, 26, Mangmang Rasia, 26, at Boy Fernandez, 52, matapos umano nilang tanning na vigilant ang mga pulis na arestuhin ang mga suspek.

Nauna rito tinambangan nang apat na mamamatay tao ang si Beltran, 47, at ang kanyang driver na si Melchor Salita, 40, residente ng No 639 Gen. Lucban Street, Barangay Silangan, QC nitong nakalipas na Miyerkules ng umaga.

Samantala, sinabi ni CIDU chief Police Chief Inspector Elmer Monsalbe na itinuturo rin ni Formanes na isang Cosette Capistrano,50-anyos ng Commonwealth market na siya umanong nagtatago ng mga armas ng iba pang mga suspek na kinilalang si Warren Juab na pinsan ni Capistrano.

Napag-alaman pa na patuloy na pinaghahanap ng pulisya si Warren Juab at isang nagngangalang Dutch Boy Bello kaugnay sa walang awang pamamaslang.

Idinagdag pa ni Eleazar na hindi pa niya maituturing na politically motivated ang krimen dahil hindi pa totally tapos ang kaso dahil sa may mga nakawawala pang mga suspek.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.