Peace talks ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF maaring matuloy na

Ni Santiago Celario

Dating Special Assistant to the President Bong Go. Litrato mula sa https://en.wikipedia.org

NAGPAHAYAG ng paniniwala si dating Special Assistant to the President Bong Go na muling magkakaroon ng usapang pangkapayapaan ang gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ngayong 2019 at mauuwi ito sa pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Go umaasa siya na muling mag-uusap ang gobyerno at ang mga rebelde para makahanap ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Ito ang napagalaman matapos ang isang interbyu kamakailan kay Go matapos itong bumisita sa labinglimang pamilya (15) na nasunugan at pansamantalang nanunuluyan sa Multi Purpose hall ng Brgy. N. S Amoranto sa Laloma, Quezon City.

Kasabay nito ay idiniin ng dating kalihim ang pamunuan ng CPP/NPA/NDF na si Pangulong Duterte na lamang ang puwedeng kausapin ng mga makakaliwang grupo para maisulong ang usapang pangkapayapaan.

“Ako naman po ay personally po ay hopeful po ako ng pagkakaroon ng peace talk this year”, ani pa ni Bong Go.

Nauna rito magugunitang nitong nakalipas na Nobyembre 2018 nang kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa mga rebeldeng komunista.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang desisyon matapos itong magalit dahil sa umano’y patuloy na pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga tropa ng pamahalaan.

Ayon pa kay Go sincere si Pangulong Duterte sa usapang pangkapayapaan at lalaki ito kausap na dapat magkaroon ng peace talk.

“I’m addressing sa mga left alam nyo po si Pangulong Duterte na lamang po ang puwede nyong makausap  wag nyo pong sayangin ang natitira nyang tatlong taon at kalahati,” dagdag pa ni Go.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.