2 doktor sabit din sa Dengvaxia?

HINILING ni Public Attorney’s Office chief Attorney Persida Acosta sa panel of prosecutors ng Department of Justice na nagsasagawa ng pagsisiyasat sa pangalawang batch ng mga reklamo kaugnay ng Dengvaxia na alamin ang posibleng pananagutan nina Doctor Raymundo Lo, isang pathologist na dating deputy executive director ngPhilippine Children’s Medical Center at Doctor Sonia Gonzales, nataga-PCMC rin.

Ayon kay Acosta ay inamin ni Lo sa pagdinig ng House na binigyan niyang awtorisasyon si Gonzales na pirmahan para sa kanyang kapakanan ang purchase request na may petsang Enero 21, 2016 na umorder ng bakunang Dengvaxia na nagkakahalaga ng PhP3 bilyon. Batay sa bilang ng PAO ay mahigit 100 bata na ang nasawi dahil nainiksyunan ng Dengvaxia kaya hindi puwedeng balewalain ang bagay na ito.

Bilang patunay ay nagpakita si Acosta sa media ng kopya ng purchase request na itinuturing ng PAO chief na “missing link” upang mapagtagpi-tagpi ang mga pira-piraso kung paano tuluyang nabili ang bakuna.

Pero kinontra ni Lo ang mga natuklasan ng PAO sa pagdinig ng House. Kinuwestyon din niya ang pamamaraan ni PAO forensics chief Doctor Erwin Erfe dahil ang pagsasagawa raw ng awtopsiya ay hindi tamang pamamaraan upang matukoy na ang naturang bakuna ang dahilan ng pagkasawi ng mga bata.

Kinuwestyon ni Acosta kung paano magiging ekspertong testigo si Lo? Dapat daw nakademanda sina Lo at Gonzales dahil sa kaugnayan nila sa pagbili ng kontrobersyal na bakuna. Tumestigo raw ito samantalang wala naman siyang personal knowledge sa mga nasawi na isinailalim sa awtopsiya ng PAO. Wala naman daw na-autopsy ni isa sa mga bangkay ang kampo nina Lo.

Dahil may mga nasawi ay nagsampa ang PAO ng 29 na reklamong kriminal para sa reckless imprudence na nagreresulta sa homicide, torture at paglabag sa Consumer Protection Act laban kina dating Health Secretary Janette Garin at ibang mga opisyal ng gobyerno, pati na ang mga opisyal na may likha ng bakuna na Sanofi at ang distributor nitona Zuellig Pharma.

Maging ang kasalukuyang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Francisco Duque III ay hindi nakalusot at nahaharap din sa reklamong obstruction of justice.

Dapat makasuhan at mapanagot ang lahat ng may kaugnayan sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia maging sila ay dati o kasalukuyang opisyal ng DOH. Sa halip na mabigyan ng proteksyon ay ito pa pala ang magiging daan sa maaga nilang pagkamatay. Hindi rin dapat makalusot ang mga opisyal ng Sanofi dahil kung anu-anong panganib pala ang puwedeng idulot ng bakuna na sila ang may likha.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com omag-tweet sa @Side_View.

(Read More: http://beyonddeadlines.com/2018/12/06/vaccination-fear-continues/)

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.