News

Dalawang karnaper todas sa QC

Ni Santiago Celario

Image © GMA Network

NAPATAY ng pulisya nitong Sabado ng madaling araw ang dalawangmagnanakaw ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan ang mga itosa kanila sa Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., inilarawan ang isa sa nasawing suspek na nasa pagitan ng 30 hanggang 35-anyos, may 5’5” ang taas, nakasuot ng kulay green na long sleeve shirt, brown short pants at naka sapatos. Samantala ang kasama naman nitong napatay ay tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 30–anyos, may 5’2” ang taas, nakasuot ng kulay blue na rubber shoes, naka t-shirt, at naka suot ng fatigue shorts, at may tattoo sa katawan. Kapwa katamtaman ang pangangatawan at kayumanggi ang balat ng mga napatay.

Batay sa rekord ng pulisya, dakong 1:15 ng madaling araw ng puwersahang tinangay ang motorsiklo ng isang Jeremy James Capucheno, nang apat (4) na lalaking armado ng baril sa kahabaan ng Aurora Boulevard, malapit sa kanto ng Anonas Avenue, Brgy. Quirino 2-A.

Matapos ang insidente ay ipinagbigay alam ng biktima ang insidente sa QC-Criminal Investigation and Detection Group (QC-CIDG) at bilang tugon ay dagliang inimpormahan naman nito ang QC-Anti-Carnapping Unit (QC-ANCAR) at Highway Patrol Group, National Capital Region (HPG-NCR).

Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga awtoridad at mga dakong 2:10 ng madaling araw ay naispatan nila ang apat na lalaki na sakay ng ninakaw na motorsiklo at isa pang motorsiklo na walang plaka kahabaan ng C.P. Garcia Avenue, malapit sa kanto ng Magiting St., Brgy. U.P. Campus.

Pinahinto umano ng mga pulis ang mga lalaki subalit sa halip na huminto ay bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad dahilan para gumanti ng putok ang mga alagad ng batas. Sa gitna ng putukan ay nakatakas ang dalawang kasamahan ng mga magnanakaw.

Narekober ng mga imbestigador ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)team at Criminal Investigation and Detection Unit sa pinangyarihan ngbarilan ang dalawang kalibre 38 revolver at mga bala, tatlong sachetng pinaghihinlaang methamphetamine hydrochloride o shabu, at isangunit ng Honda motorcycle na may plakang No. NE19478.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.