Mayon nagaalburoto

Ni Santiago Celario

FILE PHOTO: Clouds partially covers the Mayon volcano © Erik de Castro / Reuters

NAGTALA ng siyam na “volcanic earthquakes” ang bulkang Mayon nitong Lunes, palatandaan na muli itong nagaalburoto.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bukod sa pagyanig ay may namataan na pagbubuga ng puting usok sa bunganga ng bulkan. Sinabi pa ng Phivolcs na nasa “Alert Level 2” ngayon ang paligid ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na maaring sumabog ang bulkan at rumagasa mula dito ang lava, batong pyroclastic at nakasusulasok na abo.

Nagbabala din ang Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng publiko sa loob ng “six kilometer-radius Permanent Danger Zone o PDZ and seven (7) kilometer-radius Extended Danger Zone o EDZ” sa timog, timog-silangan, silangan at hilagang silangang sektor ng bulkan mula sa munisipyo ng Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia, Sto. Domingo.

Pinaalalahanan din Phivolcs ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na abisuhin ang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa pagaalburoto nito.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.