“Baybayin ng karagatan at yamang dagat sa Silangang Asya pangangalagaan ng Pilipinas” — DENR Secretary Roy Cimatu

Ni Santiago Celario

 

TINATANGGAP ng Pilipinas ang hamon na pangalagaan ang mga baybayin ng karagatan at yamang dagat sa mga karagatan ng Silangang Asya.

Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa kanyang pagtanggap sa mga lumahok sa East Asian Seas Congress (EASC) na ginaganap ngayon sa Iloilo Convention Center sa Lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Cimatu, ang karagatan ng Silangang Asya ay tahanan ng ilan importanteng bahagi ng tubig sa mundo na umaabot ang lawak sa pitong milyong kilometro kuwadrado at kung saan mayroon din tinatayang 235,000 kilometro na baybaying dagat.

DENR Secretary Roy Cimatu. Photo © https://en.wikipedia.org

Idinagdag niya na dahil sa lumulobong populasyon, ay patuloy ang pagtindi ng pressure sa mga yamang dagat tulad halimbawa ng hindi mapigil na over fishing, coastal development, blast fishing sa mga coral reef at pagtatapon ng mga nakalalasong basura o toxic waste.

It is essential for the region to strengthen measures in conserving coastal and marine ecosystems and its resources to ensure food security and improve poverty reduction,” ani ni Cimatu sa mahigit na 900 kalahok ng EASC na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Asia, Hilagang Amerika, Europa at Australia.

Sa bahagi naman ng Pilipinas, sinabi ni Cimatu na pinagtibay ng kasalukuyang administrasyon ang Integrated Coastal Management (ICM) bilang national strategy. Ang ICM ay batay sa Executive Order No. 533 na inisyu nitong 2009.

Ipinaliwanag ni Cimatu na ang mandato ng DENR ay para i-develop ang national ICM program sa pamamagitan ng konsultasyon at sa iba pang concerned agencies, sectors at stakeholders at para bigyang direksyon, technical support at guidance ang mga local government units at stakeholders sa development at implementasyon ng local ICM programs.

Ayon kay Cimatu ang ICM “mainstreamed in the Philippine Development Plan of 2017-2022 to serve as one of the major strategies to ensure ecological integrity, and clean and healthy environment.”

Sinabi pa ng environment secretary na patuloy na nagsisikap ang bansa para institutionalize ang ICM patungo sa legislation. Idiniin pa niya na patuloy ang DENR na ipinapatupad ang programa na mag-uugnay sa ICM at Coastal at Marine Ecosystems Program.

Samantala, ipinahayag ni Cimatu na idineklara ng marine resource reserve nitong nakalipas na May 15 ang Philippine Rise (dating Benham Rise).

Ang Philippine Rise ay 13 milyong ektarya na undersea region na idineklara nitong 2012 ng United Nations bilang bahagi ng bansa.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.