News

Longevity pay para sa mga guro sa QC, aprubado na ng konseho

Ni Santiago Celario

QC First District Councilor Victor “Jun” Ferrer

INAPRUBAHAN na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod Quezon ang pagdaragdag nang PhP300 sa kasalukuyang Php100 na “longevity pay” na tinatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ng lungsod tuwing limang taon ng kanilang tuloy-tuloy na serbisyo.

Ayon sa may-akda ng ordinansa na si Kunsehal Victor “Jun” V. Ferrer Jr., ang ordinansa ay nag-amyenda sa Ordinance No. SP-1407, S-2004. Layunin nito na maitaas ang kondisyon ng pamumuhay ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon sa ordinansa, ang karagdagang sa longevity pay ay makukuha ng mga guro na may limang taong tuloy-tuloy na pagseserbisyo sa lungsod Quezon.

Para naman sa mga gurong 10 taon nang nag-seserbisyo, bibigyan sila nang isang taon na “gap year” basta’t iyon ay dahil sa “medical or grave personal problems.”

Ayon pa kay Ferrer ang pondo para sa dagdag-benepisyo ay kukunin mula sa General Fund o Special Fund ng lungsod.

Maliban dito ay iminungkahi din ng konseho ang pagdadagdag sa rice allowance ng mga guro at mga empleyado. Mula PhP1,500 ay ipinapanukala nila na ito’y gawing nang PhP2,000 na.

Education is one of our highest priorities in the city, and it is only right that we invest in our public school teachers. This is why the council has been expediting the approval of additional benefits – such as this longevity pay – to help our teachers,” sabi ni Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong, vice mayor ng lungsod, sa isang panayam.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.