Houseboy na pumatay sa kanyang amo…huli sa QC

Ni Santiago Celario

DINAKIP ng pulisya nitong araw ng Linggo sa Quezon City ang isang houseboy na umano ay pumatay sa kanyang amo ng sampung taon.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. na inaresto si Donato “Bong” Dollente matapos nitong aminin na siya ang pumatay sa 55 taong gulang na si Maria Joy Rima Maskariño noong araw ng Biyernes sa loob mismo ng tahanan nito sa 4K Cleofas St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ang 51 taon na si Dollente ay sinundo ng mga awtoridad sa kanyang tinitirahan sa 71-B Desire Compound, San Ville, Brgy. Culiat, QC nitong madaling araw ng Lunes at dinala sa kanilang tanggapan upang magbigay ng pahayag.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natagpuang walang buhay ang biktima at nakahandusay sa sahig ng kanyang bahay si dakong alas 6:00 ng gabi nitong nakalipas na Nobyembre 2 ng mga kaanak nito.

Napagalaman pa na mga alagad ng batas na dakong alas 6:00 ng hapon nitong nakalipas na Nobyembre 3, nang magdesisyon ang kapatid na lalaki ni Maskariño na si Edgar at asawa nito na puntahan ang biktima sa kanyang tahanan matapos itong hindi sumagot sa makailang tawag nila sa telepono. Laking gulat ng mga ito ng kanilang datnan ang duguang bangkay ng biktima.

Lumabas sa forensic investigation ng QCPD na pinalo ang biktima nang isang matigas na bagay sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinabi ng hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na si Police Chief Inspector Elmer Monsalve na may mga nakakita na magkasama ang biktima at ang suspek dakong alas 12:00 ng tanghali noong araw ng Linggo.

Dahil dito ay agad na inimbitahan ng mga pulis ang suspek sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal upang siyasatin. Sa kasagsagan ng pagtatanong ng mga pulis ay inamin umano ng suspek na pinatay nito ang biktima gamit ang isang dumbbells saka pinagnakawan ng pera at mga gamit.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang laptop, tablet, cellphone, wristwatch, passport, IDs, ATM cards, bank books at PhP7,000 cash na pinaghihinalaang pag-aari ng biktima.

Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek sa Camp Karingal at nakatakdang sampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors office.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.