Mga salamisim 15*

NGAYONG araw na ito ang kinikilala ng mga protestante bilang ika 501 anibersaryo ng umpisa kanilang kilusan upang magkaroon ng pagbabago sa Simbahang Romano, isang kilusan na ngayon ay mas kilala sa tawag na protestante o protestantinismo.

Sa petsang ito noong 1517, ipinaskil ng paring Romano na si Martin Luther sa pintuan ng All Saint’s Church sa Wittenberg ang kanyang ngayon ay pamosong “Ninety Five Thesis” kung saan pinuna niya ang ginagawang pang-aabuso ng Simbahang romano sa mga mananampalatayang Kristyano at kung paano ito lumayo mula sa katuruan ng Panginoong HesuKristo.

Pinuna rin ni Luther ang dugo at luha na ibinuwis ng kanyang mga kababayang Aleman mapunuan lamang ang luho ni Papa Leo X sa pagpapatayo ng Basilica ni San Pedro (St. Peter’s Basilica) sa Roma.

Bukod sa maluhong pamumuhay ng mga kleriko, ay pinuna rin ni Luther ang kaugalian ng Simbahang Romano (batay sa kautusan ng Papa) na magbenta ng pases o “Indulgence” (indulhencia) para sa mga mananampalatayang Kristyano para raw mabasawan ang kaparusahan na kanilang tatanggapin sa kabilang buhay dahil sa kanilang mga kasalanan sa lupa.

Ang indulhencia ang isa sa mga dahilan kaya magara ang Basilica ni San Pedro sa Roma at kung bakit mayaman ang simbahang Romano ngayon. Ito rin ang dahilan kaya lumangoy sa karangyaan si Papa Leo X.

Para kay Luther, immoral, mali at walang batayan sa bibliya ang ganitong kaugalian. Dahil dito ay inexcommunicate ni Leo X si Luther dahilan naman para umusbong ang mga simbahang Protestante. Ang pagkakatayo ng mga simbahang Protestante circa 1517 ay kinilala bilang ikalawang pinaka-malaking iskismo (schism) sa Simbahang Kristyano matapos ang unang pagkakabiyak nito noong 1054 bilang Simbahang Romano (Rome) at Orhodox (Constantinople).

* * *

Nagkaroon din ng iskismo sa Pilipinas matapos magalsa ang mga pari at mananampalatayang Pilipino sa pangaabuso ng Simbahang Romano at mga Kastilang prayle nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng Iglesia Catolica Filipina Independiente (ICFI) noong 1902.

Ang simbahan na itinayo ni Don Isabelo De Los Reyes ay mas kilala ngayon bilang Aglipay o PICC (Philippine Independent Catholic Church) at ito ang pangalawa sa pinakamalaking simbahan sa ating bansa.

* * *

Isang mainit na pagbati ang hatid ng Usaping Bayan at Word from the East sa mga Kapatid na Lutheran at mga naniniwala sa simulain ni Rev. Luther, at sa mga may kahalintulad na pananampalataya sa kanilang pagdiriwang ng Anibersaryo ng Reformation.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong News stand.

 

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.