Boracay muling binuksan sa mundo

Ni Santiago Celario

One of Boracay’s enticing beaches. Image by https://traveldigg.com

MATAPOS ang anim na buwang rehabilitasyon ay muling binuksan ng Isla ng Boracay sa mundo.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagasa ang Boracay Inter-Agency Task Force na magiging pang-matagalan na ang lahat ng pagsasaayos na ginawa sa nasabing pulo upang mapanatili ang kagandahan nito.

It is our fervent hope that the people of Boracay have learned their lesson well and that they are now ready to lead efforts to ensure the sustainability of Boracay as a world-class ecotourism destination,” sabi ni Environment Secretary at BIATF chair Roy A. Cimatu.

Magugunitang ang Boracay ay pansamantalang isinara sa mga turista nitong nakalipas na Abril upang ipasailalim ng rehabilitasyon matapos matuklasan na napakarumi ng tubig dito dahil sa mataas na coliform level bunga ng sa basura at sewage mula sa mga establisimiento sa pampang nito.

Ayon kay Cimatu, ang kalinisan ng Boracay ay nakasalalay sa pagsunod ng mga residente, negosyante at turista sa mga alituntunin na itinakda ng BIATF.

Noong Oktubre 15 ay idineklara ni Cimatu na malinis na ang tubig sa Boracay at ligtas nang languyan ang mga katubigan nito.

Kasabay ng muling pagbubukas ng Boracay ay magpapatupad ang BIATF ng mga alituntunin upang maprotektahan ang kapaligiran at kalikasan ng isla mula sa inaasahang pagdagsa muli ng mga lokal at dayuhang turista. Kasama sa ipatutupad ay ang mahigpit na pagpapasunod sa tinatawag na “carrying capacity” ng isla.

Nabatid sa isinagawang pag-aaral ng DENR’s Ecosystem Research and Development Bureau at ng University of the Philippines-Los Baños, 54,945 katao ang kapasidad ng Boracay kabilang na dito ang mga turista, residente, stay-in workers at migrants.

Ayon kay DENR Undersecretary Sherwin Rigor, kabilang sa mga pangunahing naganap sa muling pagbubukas ng Boracay ay ang “unveiling” ng “Boracay icon” at ang inagurasyon ng main road.

Ang “reopening ceremony” ay ginanap sa Cagban Jetty Port sa Barangay Manoc-manoc.

Cagban jetty port is the main gateway to Boracay. It is only fitting that the ceremonies marking the reopening took place here, as a symbol of the island welcoming visitors once again to enjoy its natural beauty,” pahayag ni Rigor.

The marker is a “fitting symbol showcasing the ‘new’ Boracay that has been made possible through the collaborative efforts of the government and the island’s stakeholders.”

Pinangunahan naman ni Public Works and Highways Secretary Mark Villa ang ribbon-cutting sa pagbubukas ng 4.1 km main road mula sa Cagban port hanggang Elizalde property sa Station 1.

Nanumpa rin ang mga environment warriors bilang bahagi ng “Kaligkasan” community multipliers group na siyang tutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa Boracay.

Ang “Kaligkasan” ay mula sa mga salitang “kaligtasan” (safety) at “kalikasan” (nature).

Maliban sa isla, isinaayos din ang Cagban port, gumawa ng rotonda kung saan ibababa ang mga pasaherong bibili ng ticket o aalis ng isla at ng walkway patungo sa main road para sa pumapasok sa isla.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.