Environment News

Altintuning pangkalikasan mahigpit na ipatutupad sa Boracay – DENR

Ni Santiago Celario

DENR Secretary Roy Cimatu. Photo © https://en.wikipedia.org

MAHIGPIT na ipatutupad ang mga alituntuning pangkalikasan sa isla ng Boracay upang matiyak na mapoprotektahan ito sa inaasahang pagdagsa ng mga turista kaugnay sa “dry run opening” ng pamosong tourist spot ngayong Lunes.

Ayon kay Environment Secretary Roy A. Cimatu, na siyang pinuno ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), sa loob nang 11-araw na dry run ay gagawin din ng gobyerno ang lahat ng mga pagsusulit para maisaayos ang Boracay.

Kaugnay nito umaapila si Cimatu at humihingi ito ng kooperasyo’t pang-unawa mula sa lahat ng stakeholders at local tourist na makikisangkot sa pagpapalakas ng Boracay.

We will be monitoring a lot of things, from managing the entrance, exit, and stay of the tourists, to enforcing rule of law on establishments that have been found to be non-compliant to laws and regulations,” ani Cimatu.

Ayon pa sa dating military chief ang pamahalaan ay mahigpit na ipapapatupad ang “no compliance, no operation” policy para sa mga establisyemento hindi lamang sa panahon ng dry run subalit maging sa pormal na pagbubukas ng Boracay sa Oktubre 26.

We will not hesitate to close hotels and other establishments that would operate without clearance from the BIATF,” dagdag pa ni Cimatu.

Pinaalalahanan din ni Cimatu ang mga turista na nagpaplanong bumisita sa isla na siguraduhin ang kanilang akomodasyon sa kanilang hotels o establisyemento na tutuluyan.

Kaugnay nito, dagdag pa ng kalihim, may kumpletong listahan ng mga matutuluyan o hotel na ilalabas ng Department o Tourism para sa madla.

Samantala, magtatalaga ang Department of Environment and Natural Resources nang 30 environmental enforcers para tignan ang water quality, solid waste management, drainage and sewage systems, at occupation on forest areas and wetlands ng Boracay.

Kasabay nito ay tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na tutulong ang mga ito sa pagmamantine na katahimikan sa Boracay habang ipinapatupad ang dry run hanggang sa opisyal na pagbubukas nito sa Oktubre 26.

We are trying to correct the mistakes of the past, and we have succeeded in finding a solution to cleaning the environment. We do not want to backslide on what we have started,” diin ni Cimatu.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.