Mga salamisim 12*

PURO sabi na magbibitiw sa poder pero hanggang sabi lang kasi ang totoo pala ay enjoy sa posisyon, sa kapangyariha’t limelight na tinatanggap mula sa lokal at internasyonal na media. Talaga naman oo…masyadong matabil kaya kaliwa’t kanan ang sabit eh. Pinoy na Pinoy ang dating.

* * *

Binabati ng Usaping Bayan ang Manila International Airport Authority dahil inani nito ang karangalan na maging ISO certified. Mahirap kumuha ng ISO certification. Hindi basta-basta ang mga requirements na kailangang matugunan ng mga nag-aapply nito.

Congratulations po.

* * *

Ang NAIA ang isa sa pinakamagandang beat na napuntahan ko noong ako ay nasa Philippine Daily Inquirer pa. Karamihan sa mga nakasama ko rito ay super makisama bagamat mayroon ding plastik at duhapang (hindi naman nawawala ang ganun).

Maraming masasayang alala ang kumintal sa aking isipan noong ako ay nasa NAIA beat pa. Mahal ko ang beat na ito kahit saksakan ng layo mula sa aming bahay sa Kyusee.

* * *

Nakalulungkot na ang mga maliliit ay walang magawa laban sa mga makapangyarihan kahit na sila ay nasa tamang lugar pa. Syempre wala namang gustong mamatay agad…iyan ang isa sa mga masamang bunga ng administrasyong ito…nawalan ng halaga ang buhay ng tao.

Pagari may biyaya ring darating sa iyo.

* * *

Binabati rin natin ang mga operatiba ng QCPD dahil sa kanilang mabilis na pagkilos ay nabawasan ng mga masasamang elemento sa lungsod ng Kyusee.

Noong isang gabi ay nakaenkuwentro nila ang dalawang hinihinalang holdaper sa kahabaan ng Agham Road, isang notorious na lugar sa QC. Ayon sa ulat imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang dalawa na nauwi sa kanilang agad na pagkamatay.

* * *

Magandang balita na nasa Vladivostok, Rusya ang isang contingent ng Philippine Marines at kasabay na nagsasanay ang mga ito kasama ang mga sundalong Ruso. Dapat lamang na mabuksan ang kanilang mga mata sa iba’t ibang hukbo ng daigdig.

Mahusay na mga sundalo ang mga Ruso, patunay dito ay ang mga labanan sa Stalingrad, Leningrad at Kursk noong ikalawang digmang pandaigdig. Solong ginapi ng mga Ruso ang pinakamalakas na hukbo sa mundo, ang Nazi Alemanya.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong News stand.

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.