2 magnanakaw “utas” sa engkuwentro sa QC

By Santiago Celario

NAPATAY ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga ang dalawang pinaghihinalaang magnanakaw sa Quezon City matapos umanong makipagbarilan ang mga ito sa kanila.

Inilarawan ang mga napatay ng hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Police na si Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. sa pagsasabing ang isa sa mga ito ay nakasuot ng itim na t-shirt at white short pants, habang ang isa naman ay nakasuot ng kulay abo (gray) na sando, asul na short pants at pulang ball cap.

Ayon sa rekord ng QCPD, mga dakong alas 4:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng QCPD-District Special Operating Unit (QCPD-DSOU) sa Sitio San Roque, Agham Road, Brgy. Bagong Pag-asa ng may isang concerned citizen ang nag-ulat na may dalawang armadong lalaki ang pagala-gala sa nasabing lugar.

Agad rumesponde ang mga pulis para beripikahin ang naturang ulat. Nasabat ang dalawang sinasabing armadong lalaki at kanilang tinangka na pasukuin ang mga ito subalit imbes na sumunod ay pinaputukan nila ang mga pulis sanhi para gumanti ng putok ang mga alagad ng batas.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives at Criminal Investigation and Detection Unit ang dalawang kalibre .45 pistola, 10 gamit na kaha ng mga bala, dalawang hindi pumutok na bala at isang sachet ng shabu.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.