Partido Federal ng Pilipinas kinilala nang COMELEC

Ni Santiago Celario

ISANG nang ganap na partido politikal ang Partido Federal ng Pilipinas matapos itong bigyan ng akreditasyon o pagkilala ng Commission on Elections kamakailan.

Matapos kilalanin ng COMELEC, nagpahayag ang pamunuan ng PFP sa isang pulong balitaan nitong Lunes na may halos 100 silang kandidato na tatakbo sa kongreso at pagka-gobernador. Ang PFP ay kinabibilangan ng iba’t ibang organisasyon na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at bumubuo ng koalisyong Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary at PFP President John Castriciones, may 40 hanggang 50 silang kandidato na sasabak sa kongreso at 30 hanggang 40 naman para sa pagka-gobernador. Kabilang sa mga ito ay sina Tesda Director General Guiling Mamondiong para sa Lanao del Sur, Gov E.R. Ejercito ng Laguna, Rep.Rey Umali ng Oriental Mindoro , Asst. Secretary Dabiel Mercado sa Zamboanga del Sur, Gov. Pax Mangudadato sa Sultan Kudarat at Gov. Dodo Mandanas ng Batangas.

Samantala, ang dating pangulo naman ng PFP at direktor ng Land Bank of the Philippines na si Jayvee Hinlo ay siya namang magiging kandidato sa pagka-senador ng bagong tatag na partido.

Kaugnay nito sinabi naman ni QC Vice Mayor Josefina “Joy” Belmonte Alimurong (PFP-NCR) na may tatakbong 12 sa ilalim ng kanilang partido para maging mayor.

“Madami po ang nais sumama sa atin, madami po ang nagsa-submit ng intention, mayroon po kaming team na mag-aaral ng kanilang background, yung quality ng candidates at mag start kami ng mga bagong criteria and principles bago natin sila ibilang para sa huli ay wala pong conflict” ani ni Belmonte.

Sa Oktubre 11, ay nakatakdang magkakaroon ng grand rally ang PFP sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kung saan itatanghal si Duterte bilang chairman ng partido.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.