Mga salamisim 11*

TALAGANG totoo yung sinasabi ng mga matatanda na yung maliliit na nagkaroon ay masahol sa pa sa talagang mayroon. Parang langaw na nakatungtung lang sa kalabaw ang pakiwari ay mas malaki pa siya sa kalabaw.

Nakahihiya ka…ikaw na dapat magpakita ng hinahon, ikaw pa ang nagbarumbado. Wala ka sa hulog. Dapat sa iyo manahimik na lang at huwag ng maging isang “public figure”…gagayahin ka lang ng mga langaw na tulad mo.

* * *

Lahat ng mga sundalo na binigyan ng amnesty ng mga nakaraang administrasyon, lumalabas na hostage kayo ng kasalukuyang administrasyon. Kung kayo ay magiging maingay na taga-puna tulad ng katoto ninyong si Senador Antonio Trillanes IV ay malamang na bawiin ang inyong amnesty at ibalik kayo sa bilangguan.

Ganun ang labanan ngayon, pitpitan ng … ano?

* * *

Nagtataka lang ako sa grupo ni Trillanes kasi yung bandera na iwinawagayway ng mga ka-Magdalo niya ay personal na banderang pandigma (battle flag) ni Supremong Andres Bonifacio na isang Magdiwang. Mga ka-Magdalo baka hindi ninyo alam na ang Magdalo ni Emilio Aguinaldo ang nasa likod ng pataksil na pagpatay sa Ama ng Himagsikang Pilipino at Unang Pangulo ng Pilipinas.

Palitan kaya ninyo ang bandera o pangalan ng grupo bilang unang hakbang na magpapatotoong makabayan kayo at hindi reaksyonaryong pasista na nabulilyaso ang tangka na pag-agaw sa poder. Bagay na pangalan sa grupo ninyo ay Magdiwang kung ang dala ninyong bandera ay yung sa Supremo.

* * *

Nagkalat ngayon ang mga mumurahing beauty products na kontaminado ng tingga o lead. Kadalasan ito ay gawa sa China at nabibili sa sobrang murang halaga sa inyong mga suking tianggian. Isipin na lamang na sari-saring sakit ang makukuha ninyo mula sa tingga o lead, kabilang na rito ang cancer, pagka-buang, pagkasira ng mga lamang loob at marami pang iba.

Matagal ng ban sa mga ASEAN countries, maliban sa atin, ang mga produktong ito. Kudos sa EcoWaste Coalition na patuloy na nagbibigay babala sa taong bayan kaugnay sa mga produktong ito.

Sige magpaganda kayo at tiyak na dahan-dahan namang mabubulok ang katawan ninyo.

* * *

Yung mga taga Okinawa ay humihingi ng US$10 milyon sa Amerika bilang danyos dahil sa noise pollution na likha ng kanilang mga eroplano sa kanilang base militar sa nasabing lugar.

Buti pa ang mga taga-roon alam ang dapat gawin. Tayo matagal na panahon ang sari-saring polusyon ang nilanghap mula sa mga Kano pero ok pa rin tayo. Ni wala tayong narinig na pagtututol….haaaayyy siguro talagang hindi tayo laan para maging tunay na malaya.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong News stand.

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.