PDEA at advertising agency nagkaisang magtulungan laban sa bawal na gamot

Ni Santiago Celario

LALONG lumakas ang kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency laban sa illegal na droga matapos itong makipagkasundo sa isang advertising company para lumikha ng mga cartoons o animated video kaugnay sa patuloy na kilos ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng PDEA at Activations Advertising, Inc. (AAI), kapwa nila ipinahayag ang kagustuhan na gumawa nang animated anti-drug advocacy materials para sa mga presentasyon sa mga komunidad ng PDEA kaugnay sa drug prevention and awareness programs nito. Maipalalabas din ang maikling version nito sa mga sinehan sa buong bansa.

Pinirmahan ang kasunduan nitong nagdaang Biyernes sa punong tanggapan ng PDEA sa Agham Road, Quezon City. Si PDEA Director Aaron N. Aquino ang lumagda para sa PDEA at si Ms. Michelle Suzzane Claire B. Quintana, AAI President at CEO, ang pumirma para naman sa AAI. Sinaksihan ng mga opisyal ng PDEA at AAI ang pirmahan ng dalawa.

Laman ng kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) ang pagtukoy sa responsabilidad ng PDEA at AAI hinggil sa mutual support at assistance ng preventive education and information dissemination activities ng magkabilang panig.

Sa ilalim din ng kasunduan, ang magkabilang partido ay magtutulungan sa pagsasagawa ng trainor’s training para makapagsanay ng mga professional anti-drug advocates. Magiging tungkulin ng mga ito na tumalakay sa mga isyu na may kaugnayan sa droga, maging eksperto sa public affairs activities, at magpalabas ng mga anti-drug information, listahan ng mga drug personalities at kanilang mga illegal na aktibidad na ilalabas naman ng AAI.

PDEA extends its sincerest gratitude to AAI for fulling its corporate social responsibility. We need partners in the private sector like AAI which are guided by strong interest in addressing relevant social issues such as illegal drugs,” ani pa ni Aquino.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.