News

Detenido sa QCJ sumailalim sa biglaang drug test

Ni Santiago Celario

 

MGA 900 na detenido ng Quezon City Jail at 170 tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ang sumailalim sa isang biglaang drug test nitong Martes ng umaga upang matiyak na walang gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa naturang pasilidad.

Dakong alas 8:00 ng umaga nang isagawa ang drug testing sa mga detenido at bantay nila.

Ayon kay Quezon City Jail Warden Supt. Ermilito C. Moral ang pagsasagawa ng drug test ay bilang ipatupad ang mandatory drug test para sa mga BJMP personnel ayon na rin sa direktiba ng nakatataas na pinuno ng bureau.

Sinabi pa ni Moral na ang pagsasagawa ng drug test sa kanilang mga personnel ay maituturing na rin na isang babala sa mga tauhan ng BJMP na huwag gumamit ng illegal na droga.

“Gusto natin matiyak na walang personnel ng BJMP ang gumagamit ng illegal na droga” diin ni Moral.

Sinabi pa ng QCJ warden na kung may mag-positibo umano sa mga tauhan ng BJMP sa katatapos na drug test ay agad niyang iri-relieved ito sa puwesto at isasailalim sa masusing imbestigasyon. Bukod pa rito ay sasampahan ito ng mga kaukulang kaso.

Nauna rito, magugunitang pinagibayo ng BJMP ang kanilang crackdown laban sa illegal na droga at iba pang kontrabando sa loob ng QCJ.

Sa kasalukuyan umaabot sa 4,572 ang nakadetine sa QCJ bagamat ito ay may kapasidad lamang para sa 800 detenido.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.