News

X-mas bonus para sa mga empleyado ng QC ipinanukala

Ni Santiago Celario

ISANG resolution ang inihain sa Quezon City Council na naglalayong bigyan ng 14th month pay o Christmas bonus ang lahat ng empleyado at opisyal ng Quezon City government.

Sa dalawang pahinang resolution na ipinanukala nina Councilors Allan Butch T. Francisco, Godofredo T. Liban ll, Eric Rey Z. Medina at Hero Clarence M. Baustista, hinihiling ng mga ito kay QC Mayor Herbert M. Bautista na hanapan ng paraan na mabigyan ng bonus ang lahat ng mga kawani ng pamahalaang panglungsod bilang Personnel Emergency Relief Allowance (PERA).

Base sa resolution, lumagpas ang koleksyong buwis ng QC noong 2015 at naabot naman ang target na koleksyon nitong nagdaang taon, bukod pa sa patuloy na tumataas ang halaga ng bilihin gayong hindi naman tumataas ang sahod, kaya dapat lamang bigyan ng bonus ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng QC.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.