News

DENR Secretary Roy Cimatu nagbabala tungkol sa pagaalaga ng mga “wild animals”

Ni Santiago Celario

MARIING nagbabala kamakailan si Environment Secretary Roy A. Cimatu sa sino man na nagaalaga ng mga “wild animals” dahil ito ay labag sa batas at maaring maging dahilan ng pagkakakulong ng mga nag-aaruga nito.

Ipinalabas ni Cimatu ang babala matapos mailigtas ang isang Pangolin, isang uri ng hayop na kumakain ng langgam, sa isang subdivision sa Muntinlupa City.

Collecting, hunting or possessing wildlife species, both flora and fauna, without a valid permit from the government is illegal,” paalala ni Cimatu.

Wild animals, including pangolins, are protected by the government and our laws, and it is unlawful to keep them as pets,” idinagdag pa nito.

Ayon kay Cimatu ang specie ng mga Pangolin, na kilala sa lalawigan ng Palawan, ay malapit nang maubos dahil dito ito ay pinangangalagaan sa ilalim ng Republic Act 9147 na mas kilala bilang Wildlife Conservation and Protection Act.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pag-iingat o pag-aalaga ng wild animal, partikular na ang mga “criticially endangered animal species.” Ang paglabag sa RA 9147 ay may kaparusahan na apat na taong pagkakakulong ng apat na taon at multa na aabot sa PhP450,000.

Matatandaan na noong ika-4 ng Septiyembre, ang enforcement team ng Task Force POGI (Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade) ay sumugod sa Alabang Village para beripikahin ang ulat na ang isa sa mga residente ng eksklusibong subdivision na ito ay nag-aalaga ng Pangolin.

Dinatnan ng mga miyembro ng Task Force POGI ang Pangolin sa pangangalaga ng mga opisyal ng barangay na kumupkop sa hayop matapos itong matagpuan umano sa labas ng bahay ng isang Intsik na nakilala sa pangalang Xiao Ming.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.