8,000 volunteer lumahok sa paglilinis ng baybayin ng Look ng Maynila

Ni Santiago Celario

Libo-libo lumahok sa paglilinis ng Manila Bay. Litrato kuha ng philstar.com

TINATAYANG 8,000 volunteers ang lumahok sa ginawang paglilinis ng Department of Environment and Natural Resources sa Manila Bay at mga ilog sa Metro Manila nitong nagdaang Sabado.

Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu ang sabay-sabay na coastal cleanup sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila, kabilang na ang Manila Bay area, bukod sa napapanahon dahil kadadaan lamang ng bagyong si Ompong, ay bilang pagsuporta na rin sa pagkilos ng International Coastal Cleanup.

Through this ICC event, we will be able to remove heaps of trash washed ashore Roxas Boulevard and other parts of Manila Bay at the height of super typhoon Ompong,” pahayag ni Cimatu.

Sinabi pa ni Cimatu na umaasa siya na ang ginawang paglilinis ng mga baybayin at ilog ay pumukaw sa konsyensya ng mga tao na linisin ang mga katubigan bansa.

Kabilang sa mga baybayin at ilog na nilinis ay yung mga nasa Las Piñas, Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area, SM Pasay City Bay Area, Letre at Pinagsabugan Creeks sa Malabon City, Tanza Marine Tree Park sa Navotas City at riverbank ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila.

Nagkaroon din ng clean-up activity sa likod ng Gloria Maris sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.