Environment News

Maliitang pagmimina sa Cordillera ipinahinto ni Secretary Cimatu

Ni Santiago Celario

DENR Secretary Roy Cimatu. Photo © https://en.wikipedia.org

IPINAGUTOS ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa Mines and Geosciences Bureau na muling repasuhin at i-validate ang lahat ng aplikasyon para sa pagtatayo ng People’s Small-Scale Mining Areas o “Minahang Bayan” sa bansa upang makatiyak na ang mga ito ay ligtas sa panganib.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Cimatu matapos magpahayag kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte na ibig niyang masara lahat ng minahan sa bansa kasunod ng trahedya na naganap sa isang minahan Itogon, Benguet dahil sa pagragasa ng bagyong Ompong. Hindi bababa sa 39 ang namatay sa landslide na naganap sa Minahang Bayan sa Ucab, Itogon.

(Read More: http://beyonddeadlines.com/2018/09/20/duterte-wants-to-close-all-mining-after-philippines-landslides/)

“We will be stricter in approving Minahang Bayan sites, and affirm whether they conform to standards that are safe especially for the miners,” ani Cimatu.

Ayon kay Cimatu ibig niyang tiyakin ng MGB na ligtas ang mga tinutuluyan ng mga small-scale miners.

“Their (small-scale miners) residences should be far enough from identified geohazard areas,” dagdag pa ni Cimatu.

Ayon sa sangay ng MGB sa Cordillera Autonomous Region, 10 asosasyon ng mga “small-scale miners” ang nabigyan ng temporary mining contract sa Itogon, Benguet habang nakabitin pa ang pinal na deklarasyon sa kahihinatnan ng Minahang Bayan.

Kaugnay nito ay ipinakansela ni Cimatu ang lahat ng mga temporary mining contracts na inisyu ng MGB sa bisa ng Executive Order (EO) 79 series of 2012. Hiniling din niya sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National police na tulungan ang MGB sa pagpapahinto ng pagmimina sa Cordillera.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.