Batas Militar*

NATATANDAAN ko na Grade 1 ako at nakatira kami sa Leveriza sa Malate nang una kong marinig sa telebisyon ang salitang Martial Law mula kay Ferdinand Marcos.

Sa munti kong edad ay binalot ako ng takot dahil naririnig ko ang usap-usapan na maraming tao ang hinuhuli ang PC-Metrocom (ngayon ay Philippine National Police) lalo na yung mga lumalabag sa curfew hour. Bagamat maikli naman ang buhok ko noon ay ewan ko ba kung bakit lalo akong natakot ng malaman na hinuhuli rin daw ang mga batang may mahahabang buhok at sapilitan itong ginugupitan sa Camp Crame.

Siguro natakot ako dahil hindi ko alam kung saan yung Camp Crame ng mga panahong iyon. Natatandaan ko rin si Sister Francois, yung madre sa Our Lady of Assumption Church sa Leveriza na nagsasabing manalangin kami para kay Marcos at sa mga pinuno ng pamahalaan upang hindi magkagulo.

Naisip ko lang na paanong magkakagulo sa dami ng pulis at sundalo na nakikita namin sa paligid.

Ilan lang ito sa natatandaan ko na nangyari noong buwan ng Septiyembre 1972.

* * *

Taong 1983 ng mamulat ako sa katotohanan tungkol sa Martial Law habang nag-aaral sa Pamantasang Santo Tomas. Dito ay nalaman ko na kaya pala ibinagsak ang Martial Law (ito ay ilan lamang sa mga dahilan) ay upang bigyang laya ang mga dayuhan na lalong makapasok sa ekonomiya ng bansa, upang lalong magtagal si Marcos sa poder, upang mawala ang mga tumututol sa lalong pagbubukas ng ekonomiya.

Iyon din pala ang ilan sa mga dahilan kaya ang unang bumati kay Marcos matapos niyang ipahayag ang Martial Law ay mga negosyanteng dayuhan at ang Estados Unidos. Ipinagtanggol ni Marcos ang demokrasya sa pamamagitan ng mga hindi demokratikong pamamaraan. Hahahahaha nakatatawa.

* * *

Martial Law rin ang dahilan kaya lumawak ang militarisasyon at naging abuso sa kapangyarihan ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine Constabulary-Metrocom-Integrated National Police, lalo na sa kanayunan, kung saan marami ang pinatay, dinakip at pinahirapan.

Militarisasyon ang nagpahirap sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na yung mga na-hamlet sa bayan ng Santa Filomena sa Mindanao. Sa katunayan dahil sa tindi ng sinapit ng mga taga Sta. Filomena ay ginawan sila ng awit ni Joey Ayala bilang tribute.

Militarisasyon din ang naging sandigan ng mga panginoong maylupa at mga dayuhang nagpapatakbo ng mga dambuhalang plantasyon upang mapangalaagaan ang kanilang mga lupain at taniman.

Militarisasyon din ang dahilan kaya lumabas ang mga organisadong sindikato tulad ng Red Scorpion Group, Abu Sayyaf at mga pundamentalistang kulto at iba pa dahil alaga nila ang mga ito.

Ngayon, matapos ninyong malaman ang mga ito, at ito ay ilan lamang sa laksang nakapangingilabot na resulta ng Martial Law, gusto pa rin ninyo ng Batas Militar?

* * *

Binabati ko si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. sa kanyang kaarawan ngayon. Mabuhay kayo Chairman at Maligayang kaarawan po.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

One Comment

  1. Some conclusions are not based on facts. We were second/third in economic development during the early Marcos years, but soon after there was a world wide recession. No mention why martial law was declared and the role of the NPA-Communist Party of the Philippines that wanted to install their own proletarian Marxist dictatorship. Jose MA. Sison in tandem with the Liberal Party are still sold to the idea of this kind of political system–totalitarian dictatorship. Human rights abuses? The other side also committed atrocities. And we speak of shallow graves, mostly in Mindanao. Not everything was bad during martial law. Think of the infrastructure projects that are still useful and benefitting Filipinos today. Remember when we exported rice when Arturo Tanco was Minister of Agriculture? How can we do away with abuses and excesses in governance?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.