News

Dalagita nagpakamatay sa QC

Ni Santiago Celario

Image by education.medicaldialogues.in

NAGPATIWAKAL ang isang 17-anyos na dalagita sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City nitong nagdaang Huwebes.

Kinilala ni Police Officer 3 Jerome Dollente, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit – Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima sa pangalang Vanessa, isang residente ng Brgy. Bagong Silangan.

Batay sa pahayag ng ina ng biktima, dakong alas-2 ng hapon nitong Huwebes ay umakyat umano siya sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan upang kunin ang mga pinatuyong sinampay. Subalit nang mapadaan umano siya sa silid ng kanyang anak ay tila nakaramdam siya ng kaba kaya kinatok niya ang pintuan ng kuwarto nito.

Pero halos ilang minuto na umano niyang kinakatok ang pinto ng silid ng anak ay hindi pa rin ito nagbubukas kaya tinawag niya ang asawa at puwershan nilang sinira ang seradura ng pintuan.

Nang mabuksan ang pintuan ay napasigaw at napaiyak ang mag-asawa ng bumungad sa kanila ang nakabiting anak sa kisame.

Agad nilang tinanggal sa pagkakabigti sa kisame ang anak at dahan-dahang inilatag ang katawan nito sa kanyang kama bago itinawag ang pangyayari sa himpilan ng QCPD Police Station 6 (Batasan).

Hindi pa malaman ang dahilan ng pagbibigti ng biktima habang isinusulat ang ulat na ito.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.