Environment Events News

DILG pinaghahanda ang mga lokal na pamahalaan para sa papalapit na Super Typhoon

Ni Santiago Celario

INATASAN nitong Martes ni Interior and Local Government Officer-in-Charge Eduardo Año ang lahat ng mga lokal na pinuno sa mga lugar na direktang maapektuhan ng papalapit na bagyo na maghanda na upang hanggat maari ay magkaroon ng “zero casualty.”

“Dapat lagi tayong handa. Dito ay dapat na ipakita ninyo ang inyong liderato,” hamon ni Año sa mga pinunong bayan.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa publiko na huwag magpanik sa kabila ng kumakalat na ulat sa social media na ang bagyo ay isang “super typhoon.”

Tinatayang papasok sa area of responsibility ng bansa ang bagyong si Ompong, na may pandaigdigang pangalang Mangkhut, ngayong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, ang naturang bagyo ay inaasahang tatahakin ang hilagang bahagi ng bansa.

Samantala, ayon kay Año nakatakda ngayon na magpulong ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay sa paparating na bagyo.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.