Bagong Quezon City Jail itatayo sa Payatas

Ni Santiago Celario

Sleeping inmates of the crowded Quezon City Jail. Image © getrealphilippines.com

PINANGUNAHAN nitong Huwebes ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology ang groundbreaking ng itatayong Quezon City Jail.

Ayon kay QCJ Warden Superintendent Ermilito Moral, layunin ng pagtatayo ng bagong city jail na maiwasan ang patuloy na pagsisikip sa kasalukuyang QCJ sa Edsa-Kamuning. Ang nasabing lumang pasilidad ay para lamang sa 800 detainee subalit sa kasalukuyan ay mayroong mahigit sa 3,800 detenido ang nakapiit dito.

Ang bagong QCJ ay itatayo sa kahabaan ng Payatas Road sa Barangay Bagong Silangan 2. Ang lupang pagtatayuan nito ay bahagi ng 3.4 na ektaryang lupa na binili ng pamahalaang panglungsod mula M.S. Florendo and Sons. Inc. noong 2015.

Maliban sa bagong QCJ ay tatayuan din ng jail officers quarters, police station, fire station at barangay health center ang naturang piraso ng lupain.

Sinabi ni Supt. Moral ang itatayong bagong jail facility ay ang kauna-unahang pinakamalaking pasilidad para sa mga ng mga detainee.

This will solve the congestion that sometimes causes riots and diseases ani pa ni Moral.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.