News

Walang krisis sa bigas – NFA

Ni Santiago Celario

(File Photo) National Food Authority Image © philstar.com

MATAPOS ipanawagan ng ilang sektor ng lipunan ang pagbuwag sa National Food Authority ay tiniyak nito na walang kakapusan ng bigas sa bansa.

Ipinalabas ang pahayag nitong Martes matapos aprubahan ng NFA Council ang agarang importasyon nang 133,500 metriko toneladang bigas para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o ZAMBASULTA.

Sinabi pa ng NFA na ang agarang importasyon ay para matugunan ang nararanasang mataas na presyo ng bigas ng taong bayan sa ZAMBASULTA.

Ayon sa NFA Council, ang Terms of Reference (TOR) para sa dagdag na importasyon ng bigas ay nakatakdang ilathala sa mga pahayagan ngayong Miyerkules.

Idinagdag pa ng NFA ang delivery para sa unang 33,500 metriko toneladang ng bigas ay nakatakda mula sa Septiyembre 15 hanggang 30.

Samantala, ang nalalabing 100,000 metriko toneladang bigas ay nakatakda namang dumating sa pagitan ng Oktubre 1 at Nobyembre 30.

Kaugnay nito ang NFA ay nakatakdang ilipat ang kanilang imbak na bigas mula sa mga kalapit na rehiyon ng ZAMBASULTA para mabigyan na ang mga mamimili sa mga nasabing lalawigan ng alternatibong suplay ng dekalidad subalit murang bigas.

Mabibili ang bigas ito sa halagang PhP27 bawat kilo, dagdag pa ng NFA.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.