Mga salamisim 8*

NAKALULUNGKOT na sa kabila ng pagiging isang bansang agrikultural ng ating bayan ay dumaranas tayo ngayon ng kasalatan, kundi man mataas na halaga ng bigas.

Dangan kasi maraming mga taniman ng palay, lalo na sa Gitnang Luzon, na ginawang subdivision upang makaiwas sa land reform ang mga panginoong maylupa o landlord. Ang kawalanghiyaang ito ng mga panginoong maylupa ay hinayaan naman kasi ng landlord dominated na kongreso kaya ang resulta, nagdarahop tayo ngayon sa bigas.

Ang masakit pa nito ay mas pinasasama pa ng mga sakim na mangangalakal at smuggler ang masamang kalalagayan o ang krisis ng bigas. Sila ngayon ang nagpapasasa sa pagdarahop na nararanasan ng taong bayan.

Ngayon para sa mga nagapruba ng land coversion ng mga sakahan para maging subdivision, isaing ninyo ang mga subdivision ninyo para may makain ang taong bayan.

* * *

Abogado si Pangulong Rodrigo Duterte pero bago dapat nating malaman na bago siya naging lisensyadong manananggol ay kinailangan muna niyang sumumpa (lawyer’s oath) sa Diyos at Bayan na itatanghal ang ating Saligang Batas.

Maliban sa panunumpang ito ay muli siyang sumumpa sa Diyos at Bayan na kakalingain at ipagtatanggol ang Saligang Batas matapos siyang itanghal na Pangulo ng bansa. Ito naman yung tinatawag na Oath of Office na nasaksihan ng marami sa telebisyon.

Sa madaling salita, at least, ika nga sa Ingles, ay dalawang beses siyang sumumpa sa Diyos at Bayan ng katapatan sa Saligang Batas, pero kamakailan ay ipinakita niya na malinaw na malinaw na bale wala pala sa kanya sinumpaang tungkulin kaugnay sa pagtatanghal at pagtatanggol ng Saligang Batas.

Dangan kasi malinaw naman sa Rule of Succession na nakasaad sa Saligang Batas na kung sakaling siya ay bumitiw o mawala sa poder ay ang VP ng bansa ang papalit sa kanya.

Pero ano ang kanyang huling pahayag? Ayaw daw niyang si VP Leni Robredo ang pumalit sa kanya kung siya ay mawala. Ang gusto daw niyang kapalit ay ang anak na lalaki ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na si “Bongbong” Marcos Jr. Kung hindi naman daw ito mangyari ay dapat magbuo na lamang daw nang isang junta militar para pamunuan ang bansa.

Malinaw sa kanyang mga pahayag ang kanyang pagwawalang bahala sa sinumpaang gampanin sa Diyos at Bayan. Haaay laway lang pala sa kanya yun panunumpa.

Kawawang Pilipinas.

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

 

*The opinion of this author is his/hers alone. It is not necessarily the views of Beyond Deadlines.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.