DENR suportado ang pagbabawal ng paggamit ng plastic sa Boracay

Ni Santiago Celario

PARA maprotektahan ang kalikasan, nagpahayag nitong araw ng Linggo ng suporta ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ang ginawang pagbabawal ng lokal na pamahalaan sa paggamit ng disposable na plastic sa isla ng Boracay.

Ayon sa isang pahayag, suportado ng DENR ang inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan na ipasa ang Municipal Ordinance No. 386, Series of 2018 na nagbabawal sa paggamit ng single-use o disposable plastic sa mga hotels, resorts, restaurant at establisyemento sa Boracay at mga kalapit na lugar.

Sinabi ni Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny Antiporda na ang ordinansa ay isang welcome na hakbang ng bayan Malay. Ito, ani ni Antiporda, ay tiyak na makatutulong sa ginagawa ng pamahalaan na irehabilita ang Boracay.

Matatandaang isinara ang Boracay sa loob ng anim na buwan upang malinis ang polusyon dito. Mananatiling sarado ang pamosong isla hanggang sa Oktubre 26.

Magugunitang rin na nauna ng ipinagbawal ni DENR Secretary Roy A. Cimatu ang paggamit ng plastic upang masugpo o mabawasan ang problema ng basura sa Boracay.

We commend the LGU of Malay for heeding the Secretary’s call by coming up with such ordinance,” Antiporda said. “Single-use plastics, particularly those used in packaging, have been identified as a contributing factor to Boracay’s mounting waste problem, not only on land but in surrounding waters.” diin ni Antiporda.

Kaugnay nito sinabi ni Antiporda na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic ay isang malaking hakbang para labanan ang plastic pollution at ang toxic impact nito sa tao, hayop, katubigan, karagatan at sa kalikasan.

The DENR is willing to provide Malay with any assistance in the implementation of this ban and all its other programs to manage solid waste,” dagdag pa ni Antiporda.

Malay can become a model not only for Aklan or the entire island of Panay but also to other LGUs with ecotourism sites,” sabi pa ni Antiporda.

Kabilang sa mga ipinagbabawal sa Boracay ay ang mga disposable toothbrush, toothpaste tubes, shaving razors, shower caps, sachets of shampoo o conditioner, liquid body soaps, suklay, bottled water, straws, kutsara, tinidor, kutsilyo at sachets ng coffee, sugar at creamer.

Ang mga lalabag sa naturang ordinansa ay bibigyan ng babala at pagmumultahin ng PhP2,000 sa unang paglabag, confiscation ng single-use plastic at multa ng PhP2,500 para sa ikalawang paglabag at cancellation ng business permit para sa ikatlong paglabag.

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.