News

QC schools, sisiguruhing hindi ‘Iskul Bukol’

Quezon City Mayor Herbert Bautista Photo © http://www.mb.com.ph

TINIYAK ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na hindi magiging “Iskul Bukol” ang mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay matapos niyang aprubahan ang ordinansa na naglalayong magsagawa ng mas ibayong pagsusuri sa lahat ng public school sa lungsod.

Ang Ordinansa 2698-2018, na inihain ni Julienne Alyson Rae V. Medalla, ay inamiyenda at sinusugan ang naunang Ordinansa 2283-S2014 (Quezon City Public Schools Comprehensive Assesment Ordinance). Layunin ng ordinansang ito na magsagawa ng masusing assessment sa kalidad ng pagtuturo ng mga public school sa QC.

Ayon kay Medalla, ipinaguutos ng unang Ordinansa ang pagsasagawa ng pagsusuri sa mga pampublikong paaralan, partikular na sa teaching mechanism ng mga guro, pasilidad sa loob ng isang paaralan, ang ginagamit na instructional materials at achievement level ng kanilang mga estudyante.

Gayun man, paliwanag ni Medalla, para matiyak na lalo pang mapag-iibayo ang pagkakaroon o pagsasagawa ng assessment sa lahat ng public schools, inihatag ng kanyang Ordinansa 2698-2018 ang pagsasagawa rin ng karagdagang evaluation sa effectiveness ng mga sumusunod na larangan tulad ng Alternative Learning System (ALS) at Madrasah Education Program.

Kabilang din sa maeevaluate sa ilalim ng bagong Ordinansa ang Alternative Delivery Modes, Reading Comprehension strategies at feeding programs na kasalukuyang ipinapatupad ng QC government.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story/opinion? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.