Environment News

Mahigit sa 36 na milyong tao sa Southeast Asia namumuhay na mas mahirap sa mahirap

Ni Santiago Celario

Image © youtube.com

TINATAYANG aabot sa 36 milyong tao mula sa Southeast Asia ang namumuhay sa ilalim ng tinatawag na poverty line, at 90% mula sa bilang na ito ay galing Pilipinas at Indonesia.

Ito ang nabatid sa mula isang ulat ng United Nations na pinamagatang “The 2017 ASEAN-China-UNDP Report on Financing the Sustainable Development Goals (SDGs) sa ASEAN” na tinalakay sa isang pulong ng ASEAN kamakailan.

Hindi rin halos nalayo sa ulat ng UN ang isa namang lumabas na pag-aaral na ginawa naman ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).

Ayon sa PIDS halos kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay nanganganib na maging mahirap dahil umano sa matinding dagok sa labor at employment ng mga karaniwang tao, mataas na presyo ng mga bilihin at mga demographic factors.

Sinabi pa ng PIDS na dahil sa pagtatayang ito kaya patuloy na binibigyan pansin ng ASEAN community ang development gaps ng mga miyembrong bansa. Patuloy din ang paghahatag ng ASEAN ng mga bagong roadmap patungo sa pagkakamit ng tinatawag na Sustainable Development Goals (SDGs).

Para talakayin ang susunod na hakbang kaugnay ang SDGs sa regional at sub-national levels, ang ASEAN Secretariat, sa pakikipagtulungan ng China at United Nations Development Programme (UNDP) at ng Ministry of Foreign Affairs at International Cooperation ng Cambodia, ay nagdaos ng ASEAN-China-UNDP Symposium on Localising Sustainable Developmen Goals (SDGs) at Realising Poverty Eradication noong ika-20 hanggang 21 ng Augusto sa Siem Reap, Cambodia.

Nahatag ng 17 SGD target sa symposium na ito para magsilbi ring panawagan sa mundo na tapusin na ang kahirapan at pangalagaan ang ating planeta upang matiyak na ang lahat ay magtatamasa ng kapayapaan at karangyaan.

 

BD Admin: You think your friends gonna be interested in this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.