News

Tulak ng party drug tiklo sa QC

Ni Santiago Celario

KULANG-kulang isang milyong pisong halaga ng umano ay party drugs ang sinaklot nitong Martes ng madaling araw sa Quezon City ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa umano ay isang tulak ng bawal na gamot.

Kinilala ang dinakip bilang si Bruce Carlo Vidal Santos alyas Elmo at residente ng 38 M. L. Quezon St. Bagungbayan, Taguig City. Nasamsam mula sa kanya ang 330 piraso ng tableta at 40 kapsula na hinihinalang ecstacy na may halagang umaabot sa PhP777,000.00 at siyam (9) na bote na tig-1.1 ml ang laki, na puno ng likido na hinihinala ring ecstacy. Ito ay tinatayang may halagang PhP165,000.00.

Sa kabuuan ay umaabot sa PhP942,000.00 ang halaga ng nakumpiskang umano ay party drugs mula kay Santos.

Sinabi ng PDEA na ikinasa ang drug buy bust operation laban sa suspek dakong alas 2:20 madaling araw sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City. Idinagdag pa ng ahensya na posibleng na ka-grupo umano ng suspek ang kamakailan ay nahuling pinaghihinalaang tulak din ng party drugs.

Nakapiit ngayon si Santos at nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.