Pulis dinakip ang isang umano ay nagpupulis-pulisan sa QC

Ni Santiago Celario

QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr.

SUWAK sa kulungan ang isang sexagenarian matapos itong hulihin ng mga tauhan ng Quezon City Police District dahil sa illegal na pag-iingat ng baril at usurpation of authority nitong nagdaang araw ng Sabado.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., dakong 11 ng umaga ng kinompronta ni Pacifico Leoquinco, 65 at residente ng Malabon City; ang isang jeepney driver na umano ay lumabag sa batas trapiko sa kanto ng V. Luna Avenue Extension at Anonas Street.

Habang armado ng isang baril, hiningi umano ni Tatang ang lisensya ng driver subalit isang bystander ang lumapit sa dalawa at hiningian naman ng mission order ang suspek kaugnay sa baril na nakasukbit sa baywang nito, pahayag ni Esquivel.

Ikinagalit umano ni Tatang ang panghihimasok ng bystander kasabay nang pagpapakilala nito na siya ay isang “pulis,” dahilan para tumawag ng mga tunay na pulis ang bystander mula sa kalapit na Anonas Police Station.

Agad na dumating ang mga rumespondeng alagad ng batas at hiniginan ng identification card si Tatang at ng wala itong maipakita ay agad itong dinala sa himpilan ng pulisya kung saan siya ngayon ay nakapiit.

Bukod sa usurpation of authority, nahaharap din sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) si Tatang.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.