QC magdedevelop ng mga soccer players

Ni Santiago Celario

Photo © Cofi Nuguid via Flickr | Manila Bulletin

BIBIGYANG halaga at pasisiglahin ng Quezon City government sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista ang pamoso sa buong daigdig na larong soccer para mahalina ang kabataan sa paligsahang ito at maipakita sa mundo ang kanilang galing sa naturang isports.

Ayon kay QC Vice Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong, matagal na panahon na hindi nabibigyan ng prioridad ang soccer kaya naman maliit na porsyento lamang na mga manlalaro nito ang nadedevelop ng lungsod.

Tiniyak ni Belmonte-Alimurong na bibigyan ng tulong para makapagsanay ang mga ibig mag-soccer at nang makasama ang mga ito sa mga pandaigdigang kumpitensya. Kabilang sa tulong na ibibigay ay pananalapi.

“Hindi lamang moral ang tulong namin dito kundi kami ay nagbibigay ng financial assistance sa mga manlalaro upang sila ay makapag training at higit na ma develop ang kanilang galing sa paglalaro ng soccer” diin ni Belmonte.

“Dahil wala football facilities sa QC, naglaan po ang Sangguniang Panlunsod ng PhP800 milyon para sa Bautista Sports Arena na itatayo sa aayusing Amoranto Complex, at inaasahan ko po na dito ay magkakaroon ng football area para sa ating mga manlalaro” dagdag ni Belmonte.

Samantala, sinabi naman ni Dan Palami, manager ng team Askals, na siya ay umaasa na sa mga darating na panahon ay hindi na dedepende ang grupo sa pagkuha ng mga soccer player mula sa ibang bansa bagkus ay dedepende na ito sa mga Pilipinong manlalaro na mula sa ating bansa.

Aniya, patuloy ang paghahanap nila ng mga kabataang nais maglaro ng soccer para maidagdag sa bilang ng mga kasalukuyang manlalaro nito sa QC at Lungsod ng Valenzuela.

Samantala, napagalaman na magkasama na ngayon ang mga lokal na pamahalaan ng QC at Valenzuela sa paghahanap at pagsasanay ng mga kabataang manlalaro ng soccer na sasali sa mga oandaigdigang kumpetisyon.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.