Kampanya laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa ng QC patuloy

Ni Santiago Celario

PATULOY ang maigting na kampanya ng Quezon City Police District laban sa lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Ito ang napagalaman matapos ipahayag ng mga awtoridad na mahigit sa dalawang laksa ang kanilang hinuli sa iba’t ibang lugar sa QC nitong Sabado ng madaling araw dahil sa paglabag sa mga batas ng lungsod.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. umabot sa 2,200 ang bilang ng mga hinuli. Ang mga ito ay hinuli dahil sa paglalakad ng walang pang-itaas, pagiinom sa kalye, jaywalking, illegal barking para sa mga pasahero, pagihi sa daan, paninigarilyo sa pampublikong lugar, paglabag sa curfew hours para sa mga menor de edad, at mga traffic code violations.

Nito lamang araw ng Huwebes ay umabot sa 1,087 ang hinuli sa QC dahil sa mga kaparehas na paglabag sa batas. (Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/wp-admin/post-new.php)

Kaugnay nito ay nanawagan muli si Esquivel sa mamamayan na huwag ipagwalang bahala ang mga ordinansa ng QC. Sinabi niya na mahigpit ang pagpapatupad sa mga batas ng lungsod upang magkaroon ng disiplina at maging maayos ang mga pamayanan.

Kadalasan ay pinagmumulta, pinagpupush-up sa pampublikong lugar o pinag-cocommunity service ang mga lumalabag sa ordinansa ng QC. Subalit yung paulit-ulit na lumalabag sa ipinipiit sa bilangguan.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Tags: , ,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.