News

Mga bata ginagamit ng sindikato ng bawal na gamot – PDEA

Ni Santiago Celario

Image © https://en.wikipedia.org

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Philippine Drug Enforcement Agency dahil sa pabata nang pabata ang mga nahuhuli nilang sangkot sa paglalako ng bawal na gamot.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino sa isang pulong balitaan kamakailan, may mga nahuhuli na silang mga menor de edad na mula tatlo hanggang 17 ang gulang na nagtutulak ng droga. Idinagdag niya na ginagamit ng mga sindikato ang mga kabataan dahil alam nilang hindi maparurusahan ang mga ito.

Bunsod nito ay patuloy na iginigiit ng PDEA sa Department of Education (DEPED) ang pagkakaroon ng mandatory drug test sa lahat ng secondary school at maging sa college student upang makatulong sa pagsawata ng illegal drugs sa hanay ng mga kabataan. Idinagdag pa ni Aquino na maging sa college student ay ipinanunukala niya ang pagsasagawa ng mandatory drug testing.

Sinabi pa ni Aquino na gumagawa nang hakbang ang PDEA katulong ang ibang ahensya ng pamahalaan para matigil ang paggamit ng mga sindikato sa mga kabataan sa kanilang illegal na gawain.

Samantala, nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang PDEA, Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard upang lalong mapagibayo ang kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.