Koreano arestado sa CIA dahil sa droga

Ni Santiago Celario

Clark International Airport. Photo by conceptnewscentral.com

INARESTO ng mga awtoridad ang isang Koreano matapos umano itong mahulihan ng bawal na gamot at illegal na revolver sa loob ng Clark International Airport nitong nagdaang Martes, ayon sa isang nahuling ulat ngayong Lunes.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino ang dinakip bilang si Hoseop Yoon, 61 years old. Nakumpiska mula sa kanya ang walong gramo ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na may tinatayang street value na aabot sa PhP54,400, at isang kalibre ,22 na revolver.

Ayon kay Aquino dakong alas 12:20 ng tanghali nang hulihin ang suspek nang magsagawa ng interdiction operation ang mga pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office III (PDEA RO III) sa ilalim ni Director Gil T. Pabilona at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa CIA matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol kay Yoon.

Nakapiit ngayon ang suspek, at nahaharap sa kasong paglabag ng Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o mas kilala sa the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasabay nito ay sinampahan din si Yoon ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act).

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story/opinion? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.