News

Anim na hinihinalang kriminal nasakote ng QCPD

Ni Santiago Celario

Image © Good News Network Philippines

ARESTADO ang anim na hinihinalang miyembro nang isang sindikato ng mga holdaper at grupong basag-salamin sa isang operasyon na isinagawa ng Quezon City Police District sa Marikina City nitong nagdaan na Lunes na madaling araw.

Ayon sa isang nahuling ulat, ang mga nadakip, na hindi muna pinangalanan dahil sa ginagawa pang mga follow-up operations, ay tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos.

Napagalaman pa mula sa mga awtoridad na ang mga suspek ay nasakote sa no. 36-E Cobarubias St., Barangay Tanyong, Marikina City matapos ang masusing pagmamanman.

Sinabi pa sa ulat na ang mga nadakip ay sangkot umano sa serye ng mga holdapan at basag-salamin ng mga nakaparadang kotse sa Quezon City.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa QCPD habang nahaharap sila sa hindi mabilang na kasong kriminal.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story/opinion? If you do, kindly share it. Thanks.
Santiago Celario
Si Santiago Celario ay isang batikang manunulat ng mga balita sa wikang Pilipino. Nagtapos siya ng kursong Agham Pampolitika (Political Science) sa Pamantasang Manuel Luis Quezon noong 1989 at nakakuha ng sertipikasyon sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa nasabi ring pamantasan ng sumunod na taon. Sa kasalukuyan, maliban sa Beyond Deadlines, ay nagsusulat si Santiago sa iba't ibang pahayagang tabloid sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.