PDEA nanawagan sa mga barangay officials na patuloy na tumulong sa kampanya vs illegal na droga

Ni Santiago Celario

NANAWAGAN kamakailan si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa mga opisyal ng barangay na makipagtulungan sa ahensya sa ginagawa nitong pagsugpo sa bawal na gamot sa bansa.

Ginawa ni Aquino ang manawagan matapos mapansin na may mga pagkakataon na hindi nakikipagtulungan ang mga opisyal ng barangay sa PDEA at Philippine National Police sa mga operasyon nito. Ayon kay Aquino mahihirapan ang mga operatibang ipatupad ang mandato ng PDEA na durugin ang mga nagpapakalat ng bawal na gamot kung hindi tutulong ang pamunuan ng mga barangay.

Partikular na binanggit ni Aquino ang ilang insidente na hindi pagpirma ng mga saksing opisyal ng barangay sa enbentaryo ng mga nakumpiskang illegal na droga dahil sa takot ng mga ito na balikan sila ng sindikato.

Gayun man ay sinabi ni Aquino na hindi rin natutulog ang PDEA at PNP sa paggampan nito ng tungkulin na bigyan proteksyon ang lahat ng kumikilos para makamit ang adhikain na “Drug Free Philippines 2022.”

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story/opinion? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.