NCRPO hotlines puwede nang pagsumbungan ng publiko

Ni Santiago Celario

(File photo) NCRPO Dir. C/Supt. Gullermo Eleazar Photo © gmanetwork.com

INILUNSAD kamakailan ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office ang kanilang dalawang “Hotlines” para matawaga’t mapagsumbungan ng publiko tungkol sa mga abusadong pulis, mga loko, pusher at iba pang uri ng mga kriminal sa kanilang mga lugar.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang naturang Hotline ay maaaring tawagan o padalhan ng text message ng mga mamamayan sa loob ng 24-oras at sila ay makaaasa ng dagliang tugon.

Kaugnay nito ay tiniyak ng hepe ng NCRPO na confidential ang mga impormasyon na ibibigay sa text o tawag ng mga mamamayan.

Ang mga numero ng Globe na 09158888181 at Smart 09999018181 ang dalawang Hotlines na maaaring tawagan o padalhan ng text message, paliwanag ni Eleazar.

Kaugnay nito ay nagpaalala rin si Eleazar sa madla na kanilang uusigin ang sino man na manloloko sa awtoridad gamit ang Hotline.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.