Pagtataas ng kaso ng leptospirosis dahil sa basura-DENR

Ni Santiago Celario

Image by wiki.ggc.edu

KUMBINSIDO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa ay dahil sa mga nagkalat na basura sa kalye na nahaluan ng ihi ng daga.

Ayon kay DENR National Solid Waste Management Executive Director Eli Ildefonso, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, lalo na sa Metro Manila, ang dahilan sa tumataas na kaso ng nakamamatay na leptospirosis.

Dahil sa basura ay nagbabara ang mga daanan ng tubig tulad ng estero, kanal at ilog, na nagiging sanhi ng baha, baha na kontaminado dahil nahaluan ng ihi ng daga, paliwanag ni Ildefonso.

Sa isang interbyu sinabi ni Ildefonso na sa Metro Manila pa lamang ay umaabot na sa 20 toneladang basura ang hinahakot araw-araw, habang 40 tonelada naman ng basura ang hinahakot sa buong bansa.

“Isipin nyo na lang na sa Metro Manila pa lang 20 tons ng basura ang hinahakot araw araw” ani pa ni Ildefonso.

Idiniin ni Ildefonso na pinakamabisa pa rin solusyon sa problema ng basura at ang kaakibat nitong leptospirosis ang segregation at material recovery.

“Dapat magtayo ng material recovery at segregation ang mga komunidad sa kanilang barangay bilang solusyon sa problema ng basura” ani ni Ildefonso.

Sinabi pa niya na merong programa ang DENR para sa segregation ng basura dangan lamang ay hindi maayos na naipatutupad ito sa mga barangay.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.