Kano naaktuhan umano ng mga pulis habang nagdodroga sa QC

Ni Santiago Celario

Image © Good News Network Philippines

SHOOT sa kulungan ang isang Amerikano at lima pang iba pa matapos mahuli habang nasa akto umano ng pagsinghot methamphetamine hydrochloride o shabu sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip bilang sina George Purnell, 40, ng Yorkshire, Pennsylvania, U.S.A, at kasalukuyan naninirahan sa Barangay Santo Cristo, Bago Bantay, QC; Maricris Jacinto, 30, Tommy Taccaban, 36, Renato Dacillo, 55, pawang residente ng Barangay Bagong Pag-asa, QC; Aris Samar Manlapaz, 30 ng Macabebe, Pampanga; at Edel Garcia, ng Barangay Bahay Toro, Project 8, QC.

Ang Anim ay naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police district Station 2 (Masambong) sa pamumuno ni Superintendent Rodrigo Soriano mga bandang 6:30 ng gabi sa kahabaan ng Sebastian St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa. Ayon sa pulisya nakatanggap sila nang isang text message mula sa isang impormante kaugnay sa ginagawang pag-dodroga umano ng mga suspek.

Agad nagsagawa ng validation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na naaktuhan umano na sumisinghot ng shabu. Nakumpiska mula sa mga nahuli ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia.

Kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 6425 o Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.