K-9 unit facility itatayo ng PH DEA

Ni Santiago Celario

Image © https://en.wikipedia.org

MAGTATAYO ang Philippine Drug Enforcement Agency ng tinatayang aabot sa halagang PhP21 milyon na Kennel Facility sa San Jose del Monte City, sa Bulacan kung saan sasanayin ang mga piling aso para makatulong sa ahensya sa ginagawa nitong pagsugpo ng illegal na droga sa bansa.

Ito ang napagalaman kamakailan sa isang ground breaking ceremony sa pangunguna ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na ginanap sa Sitio Lambakin, Brgy. Sto Cristo ng nasabing lungsod. Kasama ni Aquino sina Representante Florida P. Robes ng lone district ng City ng San Jose del Monte, San Jose Del Monte City Mayor Arthur B. Robes at mga lokal na kawani na gumanap bilang mga saksi sa pagpapasinaya ng Kennel o K-9 facility.

Ayon kay Aquino, ang pasilidad ay itatayo sa 5,000 metro kuwadrado na lupain ng ahensya na dating ginagamit bilang isang training facility ng PDEA Narcotic Detection Dogs (NDDs).

Sinabi pa ni Aquino na nais i-rehabilitate ng PDEA ang mga nananatili pang NDD training facilities sa pammagitan ng pagtatayo ng bathing at drying area para sa kanilang mga alagang aso; covered cages, covered court, pagpapalawak ng bilang ng K9 staff, handlers at mga empleyado, at pagpapalawak din ng kitchen at mess hall at quarantine building.

Nabatid pa kay Aquino nang pagkuha ng PDEA nang 100 Narcotic Detection Dogs (NDDs) kamakailan ay pinakamalaki sa kasaysayan nito at inaasahan na malaki ang maitutulong ng mga aso sa pagsugpo ng pagpasok ng illegal na droga sa bansa.

Sa kasalukuyan ay may 72 NDDs ang PDEA at 34 sa mga ito ginagamit ng ahensya sa anti-drug operation ng mga Regional offices ng ahensya sa buong bansa, habang ang 13 sa mga ito ay inilagay sa Regional Office National Capital Region (NCR) para sa Seaport Interdiction Units, Bureau of Correction habang ang apat ay inihahanda para sa breeding at 21 naman ay para sa adaption.

 

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.