Mananatiling bawal ang ‘open pit mining’ – DENR

Ni Santiago Celario

DENR Secretary Roy Cimatu. Photo © https://en.wikipedia.org

MANININDIGAN ang Department of Environment and Natural Resources na mananatiling bawal ang “open pit mining” dahil nakasisira ito sa kalikasan.

Ito ang napagalaman ng mga mamamahayag mula kay DENR Secretary Roy Cimatu sa isang panayam nitong Miyerkoles, habang ginaganap ang ika-31 taon na paggunita ng kagawaran sa pagkatatag nito. Idiniin niya na walang pinayagan ang DENR na mag open pit mining sa kahit saang bahagi sa bansa dahil sa pinsalang hatid nito sa kapaligiran.

Gayun man, sa kabila ng pagiging mapanira rin sa kalikasan, ay pinahihintulutan naman ng DENR ang quarrying bagamat niliwanag ni Cimatu na nakasara pa rin ang quarrying site sa Zambales.

“For Zambales wala pa nakasara pa ang quarrying doon” ani pa ni Cimatu.

Kasabay nito ay sinabi ni Cimatu na patuloy na pinagaaralan ng DENR ang uri ng tubig sa Lawa ng Laguna matapos itong tambakan ng basura ng dalawang construction company dahilan para ipasara ng departamento ang mga ito.

Ipinaliwanag ni Cimatu na bukod sa labag sa batas ay na nakasisira sa uri ng tubig ng Lawa ng Laguna at pangingisda ang ginawang ito ng dalawang kumpanya sa Brgy. Calzada, Taguig City.

I’m very much interested the quality of the water in a Laguna Lake kasi yun naman (ang pagtatapon ng basura) ay nakasisira sa fishing pababa papunta sa Pasig River at Manila Bay. Kaya we are very consistent in our efforts to prevent yung pagkasira ng Laguna Lake” ani pa ni Cimatu.

Ayon pa kay Cimatu, patuloy ang hakbang ng DENR para protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.