Crime rate sa Metro Manila bumaba- NCRPO

Ni Santiago Celario

(File photo) NCRPO Dir. C/Supt. Gullermo Eleazar Photo © gmanetwork.com

IPINAGMALAKI ng National Capital Region Police Office na bumaba ang crime rate sa Metro Manila at ito’y dahil sa pitong ‘factors,’ kabilang ang war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, bumaba ang crime rate ng 25 porsyento sa unang anim na buwan ng 2018, kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

Bukod dito, sinabi pa ni Eleazar, bumaba ng 49 porsyento ang crime rate sa ang unang dalawang taon (2016-2018) ng Duterte administration kumpara sa huling dalawang taon (2014-2016) ng nagdaang Aquino administration.

Nabatid na ang mga factors sa pagbaba ng krimen ay:

1. Ang war on drugs ng pamahalaan.

2. Ang agresibong kampanya laban sa kriminalidad.

3. Ang palagiang pagtawag sa hotline ng mga mamamayan.

4. Paglilinis sa hanay ng PNP,

5. Implementasyon ng disiplina at ethics building program sa mga commissioned at non-commissioned policemen.

6. Dagdag na suweldo ng mga pulis at militar.

Kabilang din sa nasabing factors bilang pampito ang pagkakaroon ng PNP nang bagong teknolohiya tulad ng CCTV’s, GPS systems, tracking devices, smart phones, social media at mahigpit na implementasyon ng mga ‘city ordinances.’

Kaugnay nito, tiniyak ni Eleazar sa publiko na ang Team-NCRPO ay laging nakahanda at patuloy na magsisilbi at magbibigay proteksiyon sa publiko.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this piece? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.