Panghuhuli ng tricycle sa Katipunan na unsyami

Ni Santiago Celario

(File photo) A tricycle terminal in Loyola Heights, QC. Photo © The Guidon

HINDI na muna huhulihin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga tricycle na dadaan sa Katipunan Avenue taliwas sa una nilang banta matapos makiusap ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.

(Basahin pa: http://beyonddeadlines.com/2018/06/25/mmda-patuloy-na-manghuhuli-ng-mga-tricyle-at-pedicab-driver-sa-katipunan-avenue/)

Ito ang napagalaman matapos ipahayag nitong Miyerkoles ng MMDA na sinang-ayunan nito ang liham-pakiusap ni Elmo San Diego, hepe ng QC Department of Public Order and Safety, na humihiling na ipagpaliban muna ang panghuhuli ng tricycle sa Katipunan Avenue habang pinagaaralan ng kabubuo lamang na Technical Working Group (TWG) ang isyu.

Ayon kay San Diego, pagaaralan ng TWG kung saan ang ruta na magagamit ng mga tricycle na hindi dadaan sa Katipunan Avenue. Alinsunod sa umiiral na batas sa QC, hindi maaaring daanan ng mga tricycle ang national road maliban na lamang kung walang alternatibong ruta na maari silang daanan, tulad ng Katipunan Avenue.

Gayun man ay nilinaw ni San Diego na dapat ipagpatuloy ng MMDA ang panghuhuli sa mga colorum at overloaded na tricycle na nagsasakay ng higit pa sa apat, lalo na kung mga batang mag aaral.

Matagal ng inerereklamo ng mga motorista at pedestrian ang mga tricycle na dumadaan sa kahabaan ng Katipunan Avenue dahil sa sanhi ito ng panganib sa lansangan at mabagal na daloy ng trapiko, dala ng kawalan ng disiplina sa daan ng mga driver nito.

Samantala, pinasalamatang lubos ni QC Vice Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong ang pamunuan ng MMDA sa pagbibigay nito sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Inamin niya na mula 1996 ay walang alternatibong ruta para sa mga tricycle sa Katipunan Avenue subalit hindi na totoo ito sa ngayon.

Ito ang dahilan, aniya, kaya pag-aaralan ng TWG ang isyu para malaman kung aling ruta ang aalisin at babawasin.

 

BD Admin: You think your friends gonna like this story? If you do, kindly share it. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.