Dating Senadora Nikki Coseteng nagbabala tungkol sa mga substandard na bakal sa merkado

Ni Santiago Celario

Former Senator Nikki Coseteng © philstar.com

DATING Senadora Nikki Coseteng nagbabala kaugnay sa paggamit nang mahinang uri ng bakal sa pagtatayo ng mga gusali sa bansa.

Ginawa ni Coseteng ang pagbibigay babala sa isang forum sa Quezon City matapos siyang manawagan sa Department of Trade and Industry na bigyan pansin ang pagtitinda ng “sub-standard” na bakal sa merkado na ginagamit ng mga nagtatayo ngayon ng gusali. Sinabi pa niya na mapanganib ito lalo na’t inaasahan ang “The Big One” o yung lindol na mananalasa dahil sa paggalaw ng Marikina Fault Line.

Ayon kay Coseteng, karamihan sa mga developers at building owners, laluna sa nakalipas na mga taon ay gumamit ng Quenched Tempered Steel (QTS), isang mababang uri ng bakal. May pag-aaral umano na ginawa ang Japan International Cooperation Agency tungkol dito.

“Itong Quenched temple steel ay hindi maaaring gamitin sa welding at galvanizing. Matigas ang labas nito pero ang loob ay mahina dahil ginamitan ito ng vanadium, ang steel bars dapat walang vanadium , dapat gamitin ay micro alloy steel laluna sa mga high rise building” paliwanag ni Coseteng.

Kasabay nito ay nanawagan si Coseteng sa pamahalaan na i-recall ang mga grade 60 Quenched Tempered Steel bars na nasa mga jobsite o bodega upang hindi magamit at para makaiwas sa pagkakaroon ng mga sub-standard na gusali.

Nanawagan din siya kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año upang ipagbigay alam ang sa madla ang tungkol sa QTS upang maiwasan nila ang paggamit nito at ng pangalagaan sila mula sa anumang sakuna. Hiniling din niya ang paghingi ng mga mayor ng listahan ng lahat ng gusali o building na naitayo sa loob ng nagdaang sampung taon.

Isiniwalat niya na pinagtawanan lamang siya ng dating kalihim ng DTI

Binigyang diin pa nito na siya ay pinagtawanan lamang noon ng Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) nang ipagbigay alam niya ang report ng JICA at ang resulta ng pagaaral ni Engr. Emilio Morales, ang chairman ng Association of Structural engineers of the Philippines, na nagpapatunay na mahina at maaring banta sa buhay ang QTS.

Ang QTS ay bakal na dumaan sa proseso kung saan ang mainit at kahuhulma pa lamang na bakal ay biglaang pinalalamig sa pamamagitan ng tubig, langis, hangin at nitrogen. Ito umano ay nagpapatibay sa bakal.

“The process is tightly controlled, with the heating temperature, cooling method, cooling substance and cooling speed all dependent upon the type of material being quenched and the desired hardness,” ayon sa blogsite na Shapecut Steel ng Australia (https://www.shapecut.com.au/blog/what-is-quenched-and-tempered-steel/)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.