QC “nilinis” ng pulisya

Ni Santiago Celario

Image © Good News Network Philippines

UMABOT sa 174 tao ang nahuli ng mga pulis dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa ng lungsod nitong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. isinagawa ang mga pagdakip sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang pagtugon sa kautusan ni Mayor Herbert Bautista.

Sinabi pa ni Esquivel na 20 ang dinakip dahil sa pag-inom sa kalsada, 45 menor de edad dahil sa paglabag sa curfew hours, 42 dahil sa paninigarilyo sa bawal na lugar, 62 dahil sa jaywalking, tatlo dahil sa paglalakad ng nakahubad at dalawa dahil sa illegal na pagtatawag ng pasahero ng jeep.

Dinala sa iba’t ibang presinto ng QCPD ang mga hinuli upang maiproseso.

Ayon sa mga miron, ang operasyon ng QCPD ay bahagi rin ng pagsunod ng pulisya sa kontrobersyal na kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga tambay sa lansangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.