NFA nagsimulang magbenta nang murang bigas sa Caraga region

Ni Santiago Celario

Photo © philstar.com

NAGSIMULA nang National Food Authority na magbenta ng bigas sa murang halaga sa mga lalawigan ng Agusan at Surigao, kabilang ang mga isla ng Dinagat at Siargao, upang matulungan ang mga mahihirap na residente doon.

Ayon sa NFA, aabot lamang sa PhP27 hanggang PhP32 ang halaga ng bawat kilo ng bigas na kanilang ibebenta. Ito ay mabibili mula sa 188 accredited retailers sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi pa ng NFA na umaabot sa 250,000 metriko Gladstone Angkor na bigas ang dumating noong Hunyo 2 sa Puerto ng Surigao at Cubic sa Zambales. Gayun may ay hindi agad naibaba ang mga bigas sa mga sasakyan na magdadala sa mga destination nito dahil sa masamang panahon.

Ito lamang Hunyo 16 nakapagpadala ang ahensya ng 5,000 metriko toneladang ng bigas sa lalawigan ng Surigao at nasimulan itong maibenta nitong Lunes (Hunyo 18), ayon kay NFA Surigao Del Norte Provincial Manager Daisy Luna.

Samantala, nakapagpadala rin ang NFA sa Tabaco, Albay nang 126,600 na sako o bag ng bigas mula sa Vietnam. Pinangunahan ni NFA Provincial Manager Alan Sabaybay ang pagbaba ng bigas mula sa barko kasama ang mga representante mula sa surveyor, cargo handler at shipping agent.

Kaugnay nito, ayon naman kay NFA Zambales Provincial Manager Jonathan Yazon, matapos ang ilang araw na pag-ulan ng malakas at pagkakaantala ay nakapagpalabas na ang NFA office ng imported rice mula sa MV Tyson 2 na nakadaong sa Subic Freeeport.

Bilang karagdagang balita, dalawang haulers ang dumating sa opisina ng NFA sakay ang 92,000 kaban o bag ng imported na bigas mula sa Vietnam, na dinala sa bansa ng MV Truong Loc na dumaong sa Macabalan Port sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa NFA nagbigay ito ng kontrata sa Vietnam at Thailand nitong nakalipas na May 4, para magsuplay sila nang 250,000 metriko toneladang bigas sa bansa at ng tugunan ang pangangailan ng publiko nang murang bigas.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.