Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Ikatlong bahagi)*

MATAPOS nating ipaliwanag kung ano ang Impeachment at Quo Warranto ay susubukan naman natin na linawin kung ano ang nangyari at bakit sinampahan ng impeachment si dating Chief Justice Maria PA Lourdes Sereno at kung bakit tinanggap ng Korte Suprema ang Quo Warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Sino si Sereno?

Una sa lahat ay kilalanin muna natin si Sereno.

Bago pa siya naging miyembro ng Mataas na Hukuman ay nagturo siya sa UP College of Law at naging consultant ng United Nations, World Bank, US Agency for International Development at ng pamahalaan sa ilang malalaking kaso tulad ng PIATCO, na kinasangkutan din noon ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Tagumpay ang pamahalaan sa kaso nito laban sa PIATCO.

Kaaway ni Duterte

Si Sereno ay isa sa mga kritiko ng madugong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bawal na gamot. Dahil dito ay idineklara siyang “kaaway” ng Pangulo. Hindi naglaon, isang abogado na kilala sa pagiging makaDuterte, ang nagsampa ng kasong impeachment laban kay Sereno sa House na pugad ngayon ng mga makaDuterteng mambabatas.

Kasunod ng kasong impeachment ay nagsampa ng Quo Warranto petition si Calida, abogado ng pamahalaan at kilalang kabig ni Duterte, na humihiling sa Korte Suprema na tanggalin sa posisyon si Sereno dahil sa hindi niya pagpafile umano ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong siya ay propesora sa UP.

Maraming ayaw

Si Sereno ay naging Associate Justice ng Korte Suprema noong 2010.

Noong 2012, ay itinalaga si Sereno ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III bilang Chief Justice ng Korte Suprema kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona matapos siyang iendorso ng Judicial and Bar Council (JBC) kahit dalawang taon pa lamang siyang nanunungkulan bilang Associate Justice.

Bunga nito ay maraming mas senior na mahistrado ang hindi sumangayon sa desisyon ni Aquino, dahil bukod sa pinakabata at walang karanasan kumpara sa ibang pangalan na nasa listahan ng mga inendorso ng JBC, si Sereno ay itinuturing na isang outsider ng kanyang mga kasamahan sa Korte Suprema.

Ilan sa mga mahistrado na hindi sumangayon sa appointment ni Sereno noong 2012 ay siyang nagpasya ngayon na tanggapin ang Quo Warranto petition ni Calida at tanggalin sa puwesto si Sereno. Kabilang sa kanila ay sina Associate Justice Diosdado Peralta, Teresita De Castro at Francis Jardeleza. Ang tatlong ito ay kasama nina Associate Justices Lucas Bersamin, Samuel Martires at Noel Tijam na bumuo ng mayorya na bumoto para tanggapin ang Quo Warranto petition at tanggalin sa puwesto si Sereno.

Tanging sina Associate Justice Antonio Carpio, Presbitero Velasco Jr., Marvic Leonen, Estela Perlas-Bernabe, Mariano Del Castillo, at Alfredo Benjamin Caguioa ang tumutol na alisin si Sereno sa pamamgitan ng Quo Warranto petition ni Calida.

(Basahin Pa: http://beyonddeadlines.com/2018/06/01/impeachment-at-quo-warranto-isang-paliwanag-ikalawang-bahagi/)

(May kasunod sa Biyernes)

* * *

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

 

*Ang mga pananaw sa artikulong ito ay sa sumulat.  Maaring hindi ito ang opisyal na posisyon ng Beyond Deadlines. 

One Comment

  1. By failing to submit her statement of assets, liabilities and net worth (SALN) for at least seven years (1999 to 2006, except for 2002), she not only violated the Constitution and the two laws that required such for all government personnel except laborers. That violation of the law disqualified her to be even a member of the Supreme Court.

    Sereno also had not complied with the very specific requirements issued by the Judicial and Bar Council (JBC) in 2012 that candidates for the Chief Justice post who are or have been in government must submit all their previous SALNs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.