Pito ang patay sa magkakahiwalay na police operation sa QC

 Ni Santiago Celario

Image © Good News Network Philippines

PITO katao ang napatay at isa ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police Department sa apat na magkakahiwalay na operasyon nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ng mga imbestigador ang mga napatay na sina Alyas Lito at Bong, Marjun Clemente, at Joel Montallana. Idinagdag pa nila na tatlo sa kabuuang bilang ng mga napatay ay hindi pa nakikilala hanggang sa kasalukuyan.

Kinilala rin ng mga awtoridad ang nadakip na si Nicole Rosales, 19, at kapartner umano ni Clemente. Siya ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa tanggapan ng pulisya kung saan siya iniimbestigahan.

Ayon kay QCPD Director, Police Chief Superintendent Joselito T. Esquivel Jr., napatay sila alias Lito at Bong dakong 6:40 ng umaga sa Doña Magdalena, Hemady St., Brgy. Kristong Hari matapos magsagawa ng anti-drug buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD-Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ni Superintendent Gil Torralba.

Sinabi pa ni Esquivel na habang nagaganap ang transaksyon ay nakatunog ang mga napatay na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Dahil dito ay napilitang gumanti ng putok ang mga taga-DSOU na ikinasawi nang dalawa, dagdag pa ni Esquivel.

Samantala napatay naman si Clemente at nadakip si Rosales mga 3:00 ng madaling araw No. 53 Sebastian St., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pagasa kung saan nagsagawa rin ng buy-bust ang mga awtoridad, salaysay ni Esquivel.

Sinabi pa niya na nakatunog din si Clemente na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong nagpaputok dahilan para masugatan sa kamay si Police Officer 2 Edison Guillermo.

Gayun man ay nakaganti ng putok si Guillermo at mga kasama nito kaya tinamaan si Clemente sa katawan. Tinangka ng mga awtoridad na iligtas ang buhay ng suspek sa pamamatigan ng pagdadala sa kanya sa pinakamalapit na ospital subalit binawian pa rin ito ng buhay, sabi ni Esquivel.

Samantala, napatay naman si Montallana ng mga tauhan ng QCPD Station 1 (La Loma) Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong 2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Samat Street, Barangay Sto Domingo.

Katulad ng mga naunang pangyayari, nakatuunog din si Montallana na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nauwi umano ang transaksyon sa barilan na kanyang ikinamatay.

Sa isa pang banda, napatay ng mga pulis sa kanto ng 6th Street at Gilmore Street, Brgy. Mariana ang tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na umano ay nangholdap ng isang taxi driver na nakilalang si Henry Camarines.

Nagpaputok umano ang tatlo matapos sitahin nang isang grupo ng mga pulis na nagpapatrolya sa nasabing lugar dahil sa ulat na may holdapan na naganap malapit doon.

One Comment

  1. Dianne Castillo says:

    Yung Joel Montallana nanlaban daw at tumakbo pero bakit puro sa harap Ang tama. Pwede ok isulat not tungkol kay Joel Montallana na nabaril as Samat St. Sto. Domingo Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.